Lumitaw sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong araw, Oktubre 7, ang pangalan ng Davao-based businessman na si Samuel “Sammy” Uy kaugnay ng isang manager’s check na nagkakahalaga ng P16 milyon.
Ito ay kinumpirma ni Marwin Galvez, testigo mula sa Bank of the Philippine Islands o BPI, na si Uy ang nakatalang payee ng manager’s check na may petsang Mayo 30, 2016.
Ipinakita ni Galvez ang rekord ng naturang tseke bilang bahagi ng mga financial document na inilalahad ng prosecution sa Senate impeachment court.
Si Uy ay isang negosyanteng nakabase sa Davao na iniuugnay sa pamilya Duterte sa mga alegasyong tinatalakay sa impeachment proceedings.
Samantala, matatandaang una nang lumitaw ang pangalan ni Uy at ang alegasyong nagbigay umano ito ng milyon-milyong pera sa ilang miyembro ng pamilya Duterte.















