Inaprubahan ng Senado sa second reading ang Senate Bill no. 2387 na nagtatakda ng limang taong termino para sa mga Barangay Officials at miyembro ng Sangguniang Kabataan.
Sa ilalim ng panukala, magiging limang taon mula sa kasalukuyang apat na taon ang termino ng mga opisyal, habang ililipat ang barangay at SK elections mula Kobyembre 2026 sa unang Lunes ng Nobyembre 2028, at kada limang taon pagkatapos nito.
Itinuturing namang nakatapos na ng isang termino ang mga incumbent Barangay officials dahil sa dalawang taong extension ng kanilang termino.
Dahil dito, hindi na maaaring tumakbo sa 2028 elections ang mga nasa ikatlong sunod-sunod na termino.
Lima ang bumoto laban sa panukala, kabilang sina senate president pro tempore Vicente Sotto iii, Francis Pangilinan, Joel Villanueva, Bam Aquino at Risa Hontiveros.
Giit nina Sotto at Villanueva, maaaring itakda ang limang taong termino nang hindi na ipinagpapaliban ang 2026 elections.
Samantala, inamyendahan ni Senate President Francis Escudero ang holdover provision upang malinaw na hindi nito mapoprotektahan ang mga opisyal laban sa pending o future administrative at criminal cases.
Sinuspinde ang deliberasyon sa panukala.















