Anim na mag-aaral ang kumpirmadong patay, anim ang sugatan, habang ang iba ay patuloy pang pinaghahahanap sa gumuhong gusali sa New Delhi, India nitong Linggo, Setyembre 8, 2026.
Ayon kay New Delhi Chief Minister Rekha Gupta nitong Lunes, nailigtas ng mga rescuer ang higit 12 katao matapos gumuho ang limang palapag na hostel sa Satya Niketan na nagsisilbing pribadong panuluyan ng mga mag-aaral sa kalapit na Delhi University.
Pagbabahagi naman ng ilang lokal, higit 55 na taong gulang na umano ang gumuhong gusali at ilang buwan na ring isinasailalim sa renobasyon.
Batay rin sa paunang imbestigasyon, maaaring ang naimbak na tubig sa basement ng lumang gusali at ang patuloy na renobasyon dito ang dahilan ng pagguho.
Patuloy naman ang operasyon ng lokal na awtoridad ng India sa paghahanap sa iba pang katao na maaaring na-trap sa debris ng gumuhong gusali.
Kaugnay ng insidente, ibinabalak na rin ng Indian government na bumuo ng polisiya ukol sa regular na inspeksyon at safety certificates ng mga gusaling ginagamit ng publiko tulad ng mga pampanuluyan para sa mga estudyante, mga bahay kalinga, at maging sa mga pamantasan at paaralan.
















