Nakatakdang bumalik sa paggawa ng mga pelikula ang aktres na si Sunshine Cruz.
Mahigit tatlong taon itong namahinga dahil sa pakikipaglaban sa sakit na myasthenia gravis isang uri ng sakit sa pagitan ng muscle at nerves.
Sa kaniyang social media account ay sinabi nito na maraming mga proyekto itong tinanggihan noong nakaraang tatlong taon.
Dagdag pa nito na tinututukan niya sa loob ng tatlong taon ang kaniyang kalusugan.
Nakakuha na rin ito ng clearance mula sa kaniyang neurologist at pinayagan siyang gumawa ng pelikula.
Labis itong nasasabik sa pagbabalik sa pelikula at paggawa ng ilang proyekto sa showbiz.
Subalit paglilinaw niya na nakatutok pa rin ito sa kaniyang kalusugan at hindi naman masama ang paggawa ng pelikula sa loob ng dalawang araw.
Taong 2025 ng ibinunyag ng aktres ang kaniyang sakit na naapektuhan ang ilang bahagi ng kaniyang mukha.
Maraming mga fans at kaibigan naman nito ang nasiyahan dahil sa magandang balita kung saan sabik ang mga ito na mapanood siya.
















