-- Advertisements --
Labis ang kalungkutan ngayon ng aktres na si Sue Ramirez dahil sa pagpanaw ng ina na si Concepcion “Chit” Dodd.
Sa social media account ng aktres ay nagbahagi ito ng larawan nila ng ina.
Hindi naman na binanggit ng aktres ang dahilan ng pagpanaw ng ina nito.
Ang ina nito ay bise presidente ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na isang labor union sa Pilipinas.
Nagpaabot naman ng mga pakikiramay ang ilang kasamahan sa showbiz ng aktres maging ang ilang mga opisyal ng gobyerno.
















