-- Advertisements --

Lagpas 100,000 na indibidwal ang nakapagparehistro bilang bagong botante sa COMELEC mula nang buksan ang voter registration noong Nobyembre 10.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, tinugunan na rin ng komisyon ang ilang problema sa mga registration site, kabilang ang kakulangan sa upuan at paglalagay ng registration machines sa ground floor para mas mapadali ang pagpaparehistro ng senior citizens at persons with disabilities o PWDs.

Muling iginiit ni Garcia na libre ang voter registration at pagkuha ng voter’s certificate.

Hinikayat naman ang publiko na magsumbong sa COMELEC kung may sinisingil na bayad para sa mga serbisyong ito.