-- Advertisements --

Maagang nagkatensyon sa Day 21 ng impeachment trial, sa pagitan nina House Prosecutor Atty. Benjamin Tolosa Jr. at defense counsel Atty. Sheila Sison.

Gumamit kasi si Tolosa ng terminong ‘abogadong walang alam’ sa paghiling ng House panel na maideklara si Atty. Michael Poa bilang hostile witness. Ang naturang pahayag ay ginamit ni Tolosa bilang pagtukoy kay Poa at sa papel niya sa pagsagot sa audit memorandum ng COA.

Agad hiniling ng Defense na tanggalin sa rekord ang naturang pahayag.

Pinagbigyan ng impeachment court ang mosyon at ipinatanggal sa rekord ang naturang salita dahil itinuturing itong “discourteous.”