-- Advertisements --
Naaksidente ang asawa ng aktres na si Rita Avila.
Sa kaniyang social media account ay ikinuwento ng aktres ang pangyayari nitong Hulyo 20 kung saan nabagsakan ng grinder ang asawa nitong si Direk FM Reyes.
Kuwento ng aktres na nangyari ang insidente habang ito ay nasa event ay natanggap ang mensahe.
Dagdag pa nito na hindi siya makapag-isip mabuti dahil sa pangyayari.
Naoperahan na ang kamay ng asawa ng aktres at patuloy na ito ay nagpapagaling.
Bumuhos naman ng pagdarasal para sa agarang paggaling mula sa kasamahang artista ng aktres.















