-- Advertisements --
Nagsalita na ang singer na si Moira dela Torre matapos na madamay ito sa hiwalayan nina Sam Milby at Catriona Gray noong 2025.
Sinabi ng singer na naging malapit sa kaniya ang aktor.
Sa katunayan aniya ay isang nakakatandang kapatid ang turing niya dito.
Hanggang ngayon ay blanko pa rin ito kung bakit siya nadamay sa nasabing hiwalayan ng dalawa.
Giit nito na hindi siya ang naging third party sa nasabing hiwalayan.
Dahil aniya dito ay nagkaroon na ng lamat ang pagkakaibigan ng dalawa.
Hanggang ngayon ay hindi pa ibinahagi ng aktor ang dahilan ng kanilang hiwalayan ng dating nobya.
















