-- Advertisements --
Nasa coma ngayon ang boksingerong si Jordan “Tuklaw” Atlao matapos na maaksidente mula sa kaniyang sparring sessions sa Butuan City.
Naghahanda ang Claveria, Bukidnon native sa laban niya sa Japan na gaganapin sa Mayo ng mangyari ang aksidente.
Bigla na lamang itong nawalan ng malay sa kasagsagan ng kaniyang sparring session.
Dinala na ito sa pagamutan at sa kasalukuyan ay nananatiling comatose pa ito ngayon.
Mayroong record ito na anim na panalo at isang talo na may limang knockouts kung saan mula pa noong 2024 ay tatlong magkakasunod na panalo ang naitala nito.
















