-- Advertisements --

Pinapa-aksyunan na ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez sa pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang problema sa pagsisiksikan ng mga pasahero.

Ayon sa kalihim na marapat na matignan ng pamunuan ng MRT-3 na hindi maulit pa ang nangyaring pagsisiksikan ng mga pasahero tuwing rush hour.

Una ng inako ng MRT-3 management ang nasabing pagdami ng mga tao at gagawa na sila ng hakbang para hindi na ito maulit.

Pinaigting na rin nila ang monitoring at koordinasyon sa ground para magkaaroon ng pagbabago at magsiksikan ang mga tao.

Magugunitang ikinalungkot ng DOTr ang pagsiksikan ng mga pasahero sa escalator at sa train platform na magdudulot ng panganib.