-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong apat pang mga Pinoy na nagsisilbi bilang mercenaries para sa Russia.

Ang mga ito ngayon ay inaresto bilang prisoners of war sa Ukraine.

Sinabi ni DFA spokesperson Angelica Escalona na kanilang hinahawakan na ang kaso ng apat maging ang naunang naaresto na si Raymon Gumangan.

Nakausap na nila ang mga kaanak ng mga ito subalit hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang DFA.

Nakakatanggap ang DFA ng iba’t-ibang impormasyon kung paano narerecruit ang mga Pinoy sa Russia.