-- Advertisements --
Ginawang mas simple ng South Korea ang mga requirement para sa mga Pilipinong nais mag-apply ng visa.
Ayon sa Korea Visa Application Center sa Pilipinas, simula ngayong araw ay hindi na obligadong magsumite ng “three-month bank statements” o tinatawag na “show money.”
Para sa mga estudyante, sapat na ang kopya ng student ID bilang patunay ng kanilang status, at hindi na kailangan ang orihinal.
Inalis na rin ang requirement na magpasa ng explanation letter para sa employment-related documents kung walang landline number, basta’t may aktibong contact tulad ng email o mobile phone.
Gayunman, pinaalalahanan ang mga aplikante na dumaan lamang sa tamang proseso at opisyal na tanggapan upang maiwasang mabiktima ng mga modus operandi.














