-- Advertisements --

Kasabay ng pagsisimula ng confirmation of charges hearing ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, pormal na inihain ng mga mambabatas mula sa oposisyon nitong Lunes ang isang resolusyon na naghihimok sa muling pagsapi ng Pilipinas sa nasabing tribunal.

Sa pamamagitan ng House Resolution 809 na inakda nina Rep. Antonio Tinio ng ACT Teachers, Rep. Sarah Elago ng Gabriela, at Rep. Renee Co ng Kabataan, iginiit ng grupo na ang pagbabalik sa ICC ay magpapatibay sa pananagutan at hustisya sa bansa.

Binigyang-diin din ng mga kinatawan na nagsisilbing court of last resort ang ICC kapag bigo ang lokal na sistema.

Dagdag pa ng oposisyon, ang hakbang na ito ay magbabalik ng tiwala ng internasyonal na komunidad sa legal na sistema ng bansa at magpapatibay sa reputasyon ng Pilipinas bilang isang demokrasyang rumerespeto sa karapatang pantao.