-- Advertisements --
Plano ng Department of Transportation (DOTr) na magtayo ng busway station sa Cubao, Quezon City at sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa susunod na taon.
Sinabi ni DOTr Secretary Vince Dizon na bahagi ito ng kanilang “community-centric”.
Ang nasabing dalawang busway station ay bukod pa sa pagsasaayos ng kasalukuyang stations sa Monomento, Bagong Barrio, North Avenue at Guadalupe.
Dagdag pa ni Dizon na ang nasabing busway station ay pakikinabangan ng mahigit 250,000 na pasahero.
Nakatakda na ring palitan ng gobyerno ang mataas na overpass sa Kamuning, Quezon City na inirereklamo dahil sa hindi kayang akyatin ng mga taong may edad at may deperensya.