-- Advertisements --

Patay ang tatlong drug suspekso matapos ang pakikipagbarilan nila sa kapulisan ng Quezon City nitong hapon ng Martes.

Ayon sa Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP), na ilang araw nilang ikinasa ang operasyon hanggang magkasundo ang mga suspek at mga kapulisan na magkita sa Barangay Socorro sa Cubao.

Ayon kay PNP DEG Director Brig. Gen. Elmer Ragay , nakatunog ang mga suspek kaya binaril nila ang mga operatiba hanggang napatay ang tatlong katao.

Natamaan naman ng ligaw na bala ang isang sibilyan at walang nasugatan sa mga operatiba.

Nakakuha ng kapulisan ang ilang iligal na droga at mga baril na gamit ng suspek.

Itinakbo na sa pagamutan ang sugatan sibilyan at ito ay nagpapagaling pa.