Naniniwala si dating IBP National Executive Director Atty. Antonio Ligon na magiging malaking hamon para sa Defense team ni VP Sara Duterte na kuwestyunin o pasinungalingan ang umano’y discrepancies o mga pagkakamali o pagkakaiba sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng pangalawang pangulo.
Binalikan ng batikang abogado ang lumabas sa mga serye ng presentasyon ng House panel na umano’y mga hindi naideklarang halaga ng cash, properties, at iba pang pinagmumulan ng kayamanan ni VP Sara at ng kaniyang mister na si Atty. Mans Carpio.
Maraming pagkakataon aniya na walang nakalagay na ‘cash on hand’ sa mga SALN ni VP Sara gayong lumalabas na may mga pera siyang nakalagak sa maraming bank accounts, tulad ng pinatotohanan ng mga tumestigong bank officials.
Giit ng abogado, mahihirapan nang ituring bilang isolated errors ang mga naturang discrepancy dahil paulit-ulit na nangyari at hindi lamang minsanan.
Kung isang pagkakataon lamang sana at kinailangang maitama ang pagkakamali ay wala katanggap-tanggap pa sa mata ng publiko at ng batas, ngunit dahil maraming beses na may nakitang pagkakamali, mistulang lumalabas na aniyang may pattern sa ginawa ng pangalawang pangulo.
Malalang sa naging presentasyon ng House Prosecution panel sa tulong ng financial analyst na si Atty. Alex Cabrera, umabot sa mahigit P800 million ang halaga ng undeclared cash o pera na hindi umano idineklara ng pangalawang pangulo sa kaniyang SALN.
Ayon kay Atty. Ligon, magiging ‘interesting’ kung paano papasinungalingan ito ng Defense team, sa kabila ng mga ebidensiyang iniharap ng House panel.
















