-- Advertisements --

Pinaghahanda ni Sen. Bam Aquino ang education sector sa magiging impact ng El Niño sa buong bansa.

Ayon kay Aquino, dapat ay maagang mapaghandaan ng naturang sector ang anumang epekto ng naturang weather phenomenon, lalo na sa pag-aaral ng mga estudyante.

Habang maaga pa, pinaglalatag na ng senador ang Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) ng mga hakbang para maprotektahan ang mga estudyante at guro mula sa matinding init ng panahon.

Batay sa naunang forecast ng state weather bureau, maaaring magtagal ang El Niño hanggang sa unang quarter ng 2027 o higit pa, na nasasaklawan din ng huling tatlong buwan ng School Year 2026-2027.

Giit ng senador, dapat matiyak ang pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga estudyante, sa kabila ng posibilidad ng mga serye ng class suspension o cancellation dahil sa mainit na panahon.

Sa kabilang banda, inatasan na rin ni Education Secretary Sonny Angara ang mga eskwelahan at local DepEd offices na magsagawa ng risk assessments, pagbutihin ang water at ventilation systems, atbpang maaaring gawin para matutukan ang epekto ng tagtuyot.

Inatasan din niya ang mga eskwelahan na magsagawa ng maayos na transition sa alternative learning modalities sa mga panahong lumalabis ang init ng panahon.