Nanawagan si Atty Neri Colmenares ng pagbaligtad sa plenaryo ng desisyon ng House Committee on Justice na ibasura ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Colmenares, kailangan ang boto ng isang-katlo ng mga miyembro ng Kamara upang maungkat sa plenaryo ang usapin, kabilang ang umano’y paggamit ng public funds. Noong Miyerkules, 39 na mambabatas ang bumoto na ideklarang insufficient in substance ang reklamong inendorso ng Makabayan bloc.
Sinabi ni committee chair Rep. Gerville Luistro na maaari pang maibasura ang committee report kung sapat ang tutol na boto sa plenaryo. Samantala, sinabi ni Kabataan Party-list Rep. Renee Louise Co na bukas ang iba pang hakbang para sa accountability, kabilang ang muling paghahain ng impeachment sa 2027. (report by Bombo Jai)
















