tinanggi ni Senador Mark Villar ang kanyang koneksyon sa pagdami ng joint venture agreements ng PrimeWater Infrastructure Corporation noong siya ay kalihim pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Giit ni Villar, wala siyang direkta o hindi direktang pagmamay-ari sa PrimeWater, isang kumpanyang pag-aari ng pamilya Villar.
Paliwanag pa ng senador, noong siya pa ang secretary ng DPWH, hindi aniya siya lumahok sa anumang paraan o kapasidad ng transaksyon sa pagitan ng Primewater at alinman sa mga katuwang nitong distrito.
Nakapokus lamang aniya siya sa pagpapatupad ng mga imprastrukturang pangkomunidad.
“I wish to take this opportunity to clarify that I have no direct or indirect ownership or controlling interest in Primewater,” saad ni Villar.
“I have full faith that my service record in those years would bear witness to that focus and commitment,” dagdag nito..
Ang pahayag ng senador ay kasunod ng pagsiwalat ng Malacañang na dumami ang kasunduan ng PrimeWater sa mga water districts noong 2019, sa panahong nasa ilalim pa ng DPWH ang LWUA.