Tinawag na walang basehan at walang anumang ebidensiya ni Senator Mark Villar na nagdadawit sa kaniya sa anomalya ng flood control projects.
Kasunod ito sa naging rekomendasyon ng Independent Commission on Infrastructure’s (ICI) na sampahan siya ng kaso sa Office of the Ombudsman.
Ayon sa Senador na mayroong itong integredad at ang kaniyang mga track record ay siyang nagpapakita ng kaniyang trabaho ay tama.
Inihayag nito ang kaniyang buong kahandaan sa anumang imbestigasyon na gagawin ng ICI kung saan tanggap nito ang masusing imbestigasyon para malaman ang katotohanan.
Magugunitang bukod kay Villar ay inirekomenda rin ng ICI sa Ombudsman na imbestigahan at kasuhan sina Senator Francis Chiz Escudero at mga dating senador na sina Nancy Binay at Grace Poe.
















