-- Advertisements --
Hindi naging hadlang ang masamang panahon sa muling pagsasagawa ng road inspection ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa rehiyon ng Bicol ngayong araw.
Sinuyod ng kalihim ang lalawigan ng Albay at Sorsogon sa kabila ng malalakas na ulan upang personal na makita ang estado ng mga kalsada.
Partikular na tinutukan sa nasabing inspeksyon ang bahagi ng Maharlika Highway sa nasabing mga probinsya.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na bumisita ang kalihim sa rehiyon para sa nasabing proyekto.
Ang naturang road rehabilitation ay kabilang sa mga pangunahing prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong taon upang mapabuti ang daloy ng transportasyon at komersyo sa bansa.
















