Hindi pinayagan ng isang federal judge ang hiling ng Minnesota state na ipahinto ang massive immigration and deportation operation ng U.S. Immigration and Customs Enforcement (ICE) na nauwi sa pagkamatay ng dalawang US citizens at malawakang protesta.
Gayunpaman, sa isang hiwalay na kaso, inutusan ng hukom na palayain ang limang taong gulang na si Liam Conejo Ramos at ang kanyang ama na si Adrian Conejo Arias, na parehong na-detain noong Enero 20.
Ang dalawa ay mga asylum seeker at dinala sa Texas matapos arestuhin sa labas ng kanilang tahanan sa Minneapolis habang pauwi galing preschool ang batang lalaki.
Tinaguriang Metro Surge ang operasyon na pinangunahan ng mga naka-maskara at armadong federal agents na naghahanap ng undocumented migrants sa mga komunidad ng Minnesota.
Sa kabila nito hiniling naman ng isang judge na humawak sa kaso ng estado ang temporary restraining order laban sa operasyon. Ayon sa kanya, “Ultimately, the Court finds that the balance of harms does not decisively favor an injunction.”
Dahi sa insidente ng patayan kabilang ang pagkamatay nina Renee Good at Alex Pretti, nagdulot ito batikos sa buong mundo.
Matapos ito, inalis ni US Donald Trump ang command ng Customs and Border Protection, pinalitan si Gregory Bovino ng border point man na si Tom Homan, na nangakong babawasan ang madugong operasyon.
Dismayado naman si Minneapolis Mayor Jacob Frey na nagpahayag ng pagkabahala.
“This decision doesn’t change what people here have lived through — fear, disruption, and harm caused by a federal operation that never belonged in Minneapolis in the first place,” ani Frey.












