-- Advertisements --

Kinumpirma ni Consul General Adel Cruz ng Philippine Consulate sa Estados Unidos na hindi kasama ang mga Filipino immigrant sa ginawang immigration raids ng federal enforcement sa US.

Ito’y matapos arestuhin ng U.S. Immigration and Customs Enforcement (ICE) ang isang Filipino immigrant sa Los Angeles, ngunit nilinaw ng mga opisyal ng Pilipinas na hindi ito kaugnay ng kontrobersyal na raid sa isang houseware supplier na nagdulot ng mga protesta sa lugar.

Ayon kay Cruz, ang inarestong Filipino ay may mga nakaraang felony convictions at inaresto sa mismong tahanan nito kasama ang kanyang parole officer.

Binanggit din niya na hindi undocumented ang Filipino, kundi isang legal na imigrant na may mga dahilan para ma-deport batay sa batas ng Estado Unidos.

Ipinahayag pa ni Cruz na ang Filipinong naaresto, kaya hindi nakaligtas sa deportation ay dahil sa kanyang felony conviction case, kahit na ito ay matagal nang nakatira sa bansa.

Mababatid na pinuna ni California Governor Gavin Newsom ang pagde-deploy ni Us President Donald Trump ng 2,000 national guard troops kung saan umano ay walang pahintulot mula sa estado, dahil dito desedito ang gobenrnador na kasuhan si Trump kasama si California Attorney General Rob Bonta.

Sa ibang banda, nagpahayag naman ang Tanggol Migrante Network, isang grupo ng mga Filipino migrant workers, ng kanilang saloobin laban sa mga raid at tinawag itong “despicable acts.”

Payo naman ng Konsulado sa mga Filipinong nasa Los Angeles na maging maingat at iwasan ang mga lugar na may protesta.