Nasawi ang isang manggagawa sa US farm at daan-daan ang inaresto matapos ang isinagawang raid ng U.S. immigration agents sa isang cannabis nursery sa Southern California, ayon sa isang worker advocacy group.
Kinilala ang biktima na si Jaime Alanis, na nahulog mula sa 30 talampakang gusali habang isinasagawa ang operasyon.
Ayon sa Department of Homeland Security (DHS), 200 katao ang inaresto dahil sa iligal na pananatili sa Estados Unidos.
Kasabay pa nito ang pagkakaaresto sa 10 menor de edad na natagpuan sa lugar. Iniimbestigahan naman ang kumpanya dahil sa umano’y paglabag sa child labor laws ng Amerika.
Nagbunsod ang kaguluhan noong Huwebes kung saan makikita sa mga larawan at videos na gumamit ng tear gas at smoke canisters ang federal agents suot ang kanilang helmet at face mask laban sa mga nagpo-protestang grupo.
Samantala, iniutos naman ng isang U.S. judge ang pansamantalang pagbabawal ng racial profiling sa mga operasyon ng deportation at pagharang sa access ng mga immigrants na makakuha ng abugado bilang tugon sa agresibong kampanya ng administrasyong Trump laban sa mga undocumented immigrants.