-- Advertisements --

Ipinahayag ni U.S. President Donald Trump na bukas siyang pahintutan na manatili sa Amerika ang mga migrant workers kung sila umano ay tatanggapin ng mga Amerikanong magsasaka.

Sa kanyang talumpati sa Iowa State Fairgrounds, sinabi ni Trump na nakikipagtulungan siya sa Department of Homeland Security (DHS) upang matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka sa seasonal labor.

Dagdag pa niya, handa rin siyang makipag-ugnayan sa hotel industry kaugnay ng isyu.

Ito ay kasunod ng mahigpit na patakaran ng kanyang administrasyon sa illegal migration, sa pangunguna ni Homeland Security Secretary Kristi Noem, na aktibong nagtutulak ng deportation para sa mga illegal migrants.

Gayunpaman, nagpahayag ng pangamba ang ilang magsasaka na maaaring maapektuhan ang kanilang ani dahil sa kakulangan ng manggagawa.

‘If a farmer is willing to vouch for these people in some way, Kristi, I think we’re going to have to just say that’s going to be good, right?’ ani Trump.

‘We don’t want to do it where we take all of the workers off the farms,’ dagdag pa niya.