-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni US Pres Donald Trump ang malawak na military campaign ng US laban sa Iran, sa gitna ng mga puna sa pabago-bagong pahayag ng administrasyon tungkol sa layunin at tagal ng operasyon.

Sa kanyang pagbabalik sa White House, sinabi ni Trump na ang airstrikes ng US at Israel na nagsimula noong weekend ay maaaring tumagal ng apat hanggang limang linggo o higit pa. Aniya, layunin ng opensiba na pigilan ang Iran sa pagbuo ng nuclear weapon at hadlangan ang long-range ballistic missile program nito, na itinuturing umanong banta sa Middle East at sa mamamayang Amerikano. Hindi na niya binanggit ang usapin ng regime change.

Nauna rito, napaulat na libo-libong target ang tinamaan sa operasyon, kabilang ang mga pasilidad militar ng Iran.

Samantala, iginiit ni Karoline Leavitt na malinaw ang objectives ng administrasyon, kabilang ang pagpigil sa mga proxy ng Iran at sa paggawa ng roadside bombs na ginamit laban sa US forces matapos ang 2003 invasion of Iraq. (report by Bombo Jai)