-- Advertisements --

Hindi pa nakikita ni US President Donald Trump na magpadala ng mga sundalo nila para lumaban sa Iran.

Sinabi nito na kaniyang inaaral mabuti ang kalagayan ng giyera at kung talagang kailangan silang maglagay ay kaniya itong gagawin.

Ibinahagi rin ni Trump ang ilang mga kadahilanan s pag-atake nila sa Iran.

Hindi umano tinanggap kasi ng Iran ang banta nila na mayroong masamang kahihinatnan ang patuloy nilang paggawa ng nuclear weapons.

Naniniwala ito na aabot pa ng hanggang limang linggo bago tuluyang humupa ang nasabing kaguluhan.