-- Advertisements --

Nag-go signal na si U.S. President Donald Trump para sa pag-deploy ng 300 National Guardsmen sa Chicago matapos ang insidente kung saan isang federal agent ang nakabaril ng isang motorista noong Sabado (oras sa Amerika).

Ayon sa White House, ang hakbang ay para protektahan ang mga officials federal gayundina ang publiko sa gitna ng tumitinding tensyon sa lungsod.

Samantala, isang federal judges naman sa Portland, Oregon, ang nagbigay ng temporary restraining order laban sa plano ni Trump na magpadala ng mga tropa ng sundalo sa nasabing lungsod.

Ayon kay US District Judge Karin Immergut, ang mga alegasyon ng pangulo tungkol sa Portland bilang isang “war-ravaged” na lungsod ay hindi sapat para sa mga ebidensyang hawak nito.

Kinumpirma naman ng Department of Homeland Security na naganap ang pamamaril matapos magkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga federal agent at isang motoristang armado ng semi-automatic na baril.

Ayon sa ahensya, pinaputokan umano ng mga federal agent ang motoristang sumagasa sa kanilang mga sasakyan.

‘Law enforcement was forced to deploy their weapons and fire defensive shots at an armed US citizen,’ ani DHS assistant secretary Tricia McLaughlin.