Sisimulan na ng House Committee on Justice ang pagdinig sa apat na verified impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte bukas, Lunes, Marso 2, 2026.
Ayon kay Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, chair ng komite, ang pagdinig na gaganapin mula Marso 2 hanggang 4 kung saan nakatuon ito sa pagsusuri kung may sapat ang anyo (form) at nilalaman (substance) ang mga reklamo.
Ipinaliwanag ni Luistro na gagamitin ng komite ang parehong proseso at pamantayang ginamit sa naunang mga reklamo laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na na-dismiss noong nakaraang taon.
Ang mga pangunahing basehan ng impeachment ay ang alegasyong maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds sa OVP at DepEd, pati na ang mga paglabag sa Konstitusyon gaya ng graft, panunuhol, at hindi maipaliwanag na yaman.
Kasama rin sa mga reklamo ang betrayal of public trust dahil sa hindi pagkilala sa oversight ng Kongreso at ang mga banta umano laban sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Luistro, bibigyan ng pagkakataon ang Bise Presidente na sumagot sa mga akusasyon bilang bahagi ng kanyang karapatan sa due process.










