Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na under control na ang sitwasyon sa Isulan National High School. Sa statement na inilabas ng kagawaran, nakapaloob dito na ligtas na ang lahat ng nasa loob ng paaralan at wala ring napaulat na nasugatan o nasawi.
“The situation is under control, and everyone is safe, with no reported injuries or casualties.”
Kaugnay ito ng mga report patungkol sa umano’y “gunfire incident” kaninang umaga, September 30.
Nagpapatuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon sa buong paligid ng eskwelahan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mag-aaral.
Nagsuspinde naman ng face-to-face classes ang lokal na pamahalaan ng Isulan ngayong hapon. Pinaalalahanan naman din na manatiling kalmado ang lahat at huwag agad maniwala sa mga hindi beripekadong impormasyon.
Samantala, naglabas din ng statement si Sultan Kudarat Governor Datu Pax Ali S. Mangudadatu, at binigyang linaw na faulty electrical wiring lamang ang narinig na malakas na tunog sa Isulan National High School.
“The reported loud sound was not caused by a firearm and was likely due to faulty electrical wiring. No ammunition was found in the area during the investigation,” ayon pa kay Mangudadatu.
















