-- Advertisements --

CHICAGO – Inaresto ng mga tauhan ng Federal Immigration ang isang guro sa isang day care center sa Chicago dahil umano sa kakulangan ng dokumento para sa legal na pananatili sa Estados Unidos.

Ayon sa mga ulat, pumasok ang mga tauhan ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa Rayito de Sol Day Care School for Spanish Language, kung saan inaresto ang guro sa harap mismo ng kanyang mga mag-aaral.

Sapilitan umano siyang dinala palabas ng paaralan nang walang ipinakitang warrant of arrest mula sa mga awtoridad.

Kinilala ng Department of Homeland Security ang guro bilang si Diana Patricia Santillana Galeano, isang Colombian na may work authorization upang magturo.

Nilinaw ng ahensya na ang pagkakaroon ng work authorization ay hindi nangangahulugang may legal na karapatang manatili sa Estados Unidos.

Ang mga ganitong pag-aresto sa mga imigrante ay bahagi ng kampanya ni U.S. President Donald Trump na layuning linisin ang Amerika mula sa mga imigranteng walang sapat na dokumento upang legal na manatili sa bansa.