-- Advertisements --

Nagtala ng isang katao ang nasawi at 3 ang nasugatan sa naganap na mass shooting sa Chicago.

Ayon sa mga kapulisan na naganap ang insidente ng 2:35 ng umaga kung saan pasakay na sa kanilang kotse ang mga biktima sa River North District.

Nilapitan sila ng isang lalaki at walang habas na pinagbabaril.

Natamaan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang 34-anyos na biktima kung saan dinala pa siya sa pagamutan subalit namatay din.

Habang may tama sa tiyan ang 34-anyos na biktima, tama naman sa likod ang tinamo ng 43-anyos na biktima at nagtamo naman ng maraming tama bala ang katawan ng 35-anyos na biktima.

Dinala na ang mga sugatang biktima sa pagamutan at patuloy ang pagpapagaling.

Mabilis namang tumakas ang suspek bago dumating ang mga kapulisan.

Inaalam din ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril.