-- Advertisements --
Patay ang 11 katao matapos ang pamamaril sa isang football pitch sa Mexico.
Ayon sa mga otoridad na bigla na lamang dumating ang mga armadong suspek sa mga nagtitipon-tipon at walang habas na namaril sa lungsod ng Salamanca.
Maraming katao rin ang nasugatan sa insidente na ang mga ito ay dinala na sa pagamutan.
Nanonood ang mga tao sa laro ng lokal na football team ng bigla silang pagbabarilin.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng mga suspek sa pamamaril.
















