-- Advertisements --
Humingi ng asylum sa Australia ang limang miyembro ng Iranian women’s soccer team.
Ang pitong miyembro na kasamahan nila ay naunang ng umalis habang ang lima ay nasa Australian Federal Police.
Naglaro ang mga ito sa Women’s Asian Cup sa Australia at dahil sa takot na silang makabalik sa Iran ay minabuti nilang humingi ng asylum.
Inihayag naman ni US President Donald Trump na delikado ang pagbiyahe nila pabalik sa Iran kung saan handa umano ang US na tanggapin ang mga ito.
Magugunitang noong pagsisimula ng laro ay naging tahimik ang mga manlalaro noong ipinatugtog ang national anthem ng kanilang bansa na ang ibig sabihin umano ng iba ay pagtataksil.















