-- Advertisements --

Sumuko na sa himpilan ng General Trias Police Office nitong gabi ng Linggo, Marco 8 ang apat na suspek na sangkot sa isang hazing incident na naging sanhi ng pagkakasawi ng isa sa mga biktima.

Ayon kay Cavite Public Information Office Chief PLt. Sara Jane Drio, personal na sumuko ang apat sa patnubay na rin ng kani-kanilang mga abogado at maging ng kanilang fraternity organization.

Napagalaman din na dalawa sa apat na suspek ang nagkaroon pa ng pagkakataon na dalhin sa ospital ang biktima.

Kinilala naman ang mga suspek bilang sina John Lee Tuliao, Archie Rosil, Kenneth Ompod at si John Rey Torrecampo.

Samantala, patuloy naman na hinihimok ng mga otoridad ang iba pang suspek na isuko ang kanilang mga sarili at makipagtulungan sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng pulisya.