-- Advertisements --

Buhay pa ang tsansa ng Philippine women’s national football team sa AFC Women’s Asian Cup 2026.

Ito ay matapos na talunin nila ang Iran sa score na 2-0 sa laro na ginanap sa Gold Coast Stadium.

Naitala nina Sara Eggesvik at Chandler McDaniel ang goal para makamit nila ang ikatlong puwesto sa Group A.

Maari pa silang makaabanse sa quarterfinals bilang isa sa dalawang pinakamagaling n third-placer.

Hihintayin nila ang sinumang manalo sa pagitan ng Bangladesh at Uzbekistan.