-- Advertisements --

Pinayagan na ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang prosecution na magdagdag ng mga bagong ebidensiya na gagamitin sa pagdinig.

Sa apat na pahinang desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber 1 na may petsang Pebrero 10 ay inatasan ng ICC Pre-Trial Chamber 1 ang depensa at prosecution na maghain ng bagong ebidensiya ng hanggang Peberero 13.

Una ng hiniling ng legal team ng dating pangulo mula sa ICC na magdagdag ng 78 na mga bagong ebidensiya na isasama sa confirmation of charge.

Hindi naman ito kinontra ng prosecution kaya pinayagan na lamang ito ng ICC.

Habang ang prosecution ay hiniling din sa chambers ang dagdagda na dalawang ibagong ebidensiya kung saan pumayag din ang kampo ng depensa.

Kasama rin ang Common Legal Representatives of Victims (CLRV) na hindi kinontra ang hiling ng depensa at prosecution para magdagdag ng mga ebidensiya.

Ang nasabing kautusan ay inilabas ilang araw bago ang pagsasagawa ng confirmation of charges laban sa dating pangulo ng bansa mula Enero 23 hanggang 27.

Magugunitang nakapiit sa facility center ng ICC ang 80-anyos na si Duterte dahil sa crime against humanity na may kaugnayan sa anti drug operations nito noong ito ay alkalde ng Davao City at pangulo ng Pilipinas.