-- Advertisements --

Umapela ang National Union of Students of the Philippines (NUSP) sa mga unibersidad at mga eskwelahan na ideklara ang Pebrero-25 bilang holiday.

Ito ay bilang pakikiisa sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa grupo, nararapat lamang ang buong-pusong pakikiisa ng mga eskwelahan sa mahalagang kaganapan upang isabuhay ang legasiyang iniwan ng People Power.

Naniniwala ang grupo na hindi dapat ituring bilang isang normal working day ang Pebrero-25.

Sa halip ay igniit ng grupo na dapat linangin ang ‘historical consciousness’ o kaalaman ng publiko ukol sa kasaysayan, sa pamamagitan ng makabuluhang akson laban sa iba’t-ibang problema ng bansa tulad ng korapsyon sistematikong pagnanakaw, atbpa.

Ayon sa grupo, mainam ding mag-endorso ang mga unibersidad ng makabuluhang student activities na may kaugnayan sa EDSA anniversary at hikayatin ang mga estudyante na makibahagi sa mga protesta, tulad ng nangyari, 40 taon na ang nakakalipas.