-- Advertisements --

Iginiit ng Department of Justice na sila ang may kontrol sa kung anong hakbang ang susunod na tatahakin sa kaso ni Batangas 1st Dist. Rep. Leandro Leviste. 

Ito ang binigyang diin ni DOJ Sec. Fredderick Vida matapos tanungin kung hihilingin nila na makansela ang pasaporte ng mambabatas. 

Ayon kay SOJ Vida, sa kasalukuyan ay wala pang ganitong plano ang kagawaran sapagkat may proseso aniyang sinusunod muna. 

Paglilinaw niya sa pahayag ni National Bureau of Investigation Dir. Atty. Melvin Matibag na posibleng paghiling ng kanselasyon ay hiwalay sa aksyon ng prosekusyon. 

Ngunit sa ngayo’y hahayaan ang mga awtoridad o law enforcement agancies na ipatupad ang ‘warrant of arrest’ kontra kay Rep. Leviste. 

Nahaharap ang mambabatas sa kasong paglabag sa Public Service Act matapos matukoy na sadyain di’ tuparin ng Solar Firm nito ang obligasyon sa ilalim ng ‘legislative franchise’.