-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad sa Thailand ang lalaki matapos na ito ay mamaril at nang-hostage pa.

Pumasok ang 18-anyos na suspek sa Patongprathankiriwat School sa Songkhla sa probinsiya ng Hat Yai na may bitbit na baril.

Isang guro at isang estudyante ang nasugatan sa pamamaril kung saan nagawa pa nitong manghostage.

Sinabi ni Deputy Superintendent Wichian Soboon na binaril ng kanilang kapulisan ang suspek bago ito inaresto.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing pamamaril.