-- Advertisements --
Naglabas ng desisyon ang US Supreme Court na pagbabawalan ang paglalagay ni US President Donald Trump ng mga National Guard sa Chicago.
Nakasaad sa desisyon na bigo ang gobyerno na tukuyin ang pinagmulan ng kautusan na pagpapakalat ng mga sundalo para ipatupad ang batas sa Illinois.
Dagdag pa sa nasabing desisyon na hindi sakop ng batas ang nais ni Trump na kaya nagpakalat ng National Guard ay para protektahan ang mga immigration police.
Magugunitang ipinakalat ni Trump ang mga National Guard sa Chicago , Portland at Los Angeles para labanan ang talamak na krimen.















