-- Advertisements --

Pumanaw na si MMA fighter Isaac Johnson sa edad na 31.

Kasunod ito sa matinding pinsala sa katawan na kaniyang natamo mula sa laban kay Mario Aleksandrovski sa Chicago nitong Biyernes.

Dinala agad ito sa pagamutan matapos ang laban kung saan ilang oras lamang ay pumanaw na ito.

Nakatakdang magsagawa naman ng autopsy ang Cook County Medical Examiner’s Office para malaman ang pinakasanhi ng kamatayan ni Johnson.