Dismayado ang tech advocates sa dapat sanang oportunidad ng bansa na maging at maituring bilang isang data hub center sa rehiyon.
Ikinalungkot kasi nito na dahil sa bigong gampanan ng mabuti umano ng kumpanyang solar power na itinatag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ay nawala ang pagkakataon ng Pilipinas umusbong pagdating sa digital technology.
Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Ronald Gustilo, national campaigner ng Digital Pinoys, ibinahagi niyang hindi kasi natupad ng naturang solar firm ang pangakong makapaghatid ng halos 12 gigawatts renewable energy capacity mula sa mga nakuhang kontrata nito.
Kung kaya’t isa aniya raw ito sa mga rason kung bakit hindi na natuloy ang mga foreign investor sa bansa at nagdulot pa para magkaroon ng pagbagal sa digital economy ng Pilipinas.
Kanyang sinabi naman na kung natuloy ito at naging data hub center ang bansa ay malaki umano ang maitutulong sa bansa.
Kaugnay nito’y nanghihinayang ibinahagi pa ni Gustilo na nakaakit sana ang hindi natupad na 12 gigawatts sa mahigit isang daang hyperscal data centers sa potensyal na dayuhang mamumuhunan.
Posible aniya raw kasi itong umabot sa tinatayang 100 bilyon dolyar sakali mang natuloy.
Kaya naman panawagan ng grupong Digital Pinoys sa Department of Energy na suriin maigi ang ‘track record’ ng mga kumpanyang palalahukin sa bidding ng mga kontrata.
Aniya’y nararapat na maibigay ang mga proyekto para sa ‘renewable energy’ sa mapagkakatiwalaang kumpanya, kasabay ng hiling rin sa kongreso na mapaimbestigahan ang naturang isyu.
Kung maalala una ng ibinahagi ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang imbestigasyon ukol sa paglabag ng prangkisa sa kumpanyang itinatag ni Cong. Leandro Leviste.
Gumugulong na raw ang imbestigasyon kontra sa naturang mambabatas hinggil sa umano’y ‘violation of franchise’ ng kumpanyang iniugnay sa kanya.
















