-- Advertisements --

Posibleng nasa Sweden si dating AKO-Bicol Partylist Representative Zaldy Co.

Base ito sa apostile o certificate na nagpapatunay sa pinagmulan ng public documents na isinumite ng kaniyang abogado sa petisyon laban kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla na isinampa noong Enero 25.

Makikita sa nasabing petisyon ang personal na pagpirma ni Co sa bayan ng Nacka sa Stockholm, Sweden.

Magugunitang inihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nasa Lisbon, Portugal umano ang dating mambabatas na nahaharap sa mga kaso dahil sa anomalya ng flood control projects.