-- Advertisements --

Pormal nang isinapubliko ng Kataas-taasang Hukuman ang inihaing petisyon ni former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co laban sa Office of the Ombudsman.

Ito’y kasunod nang i-upload ng Korte Suprema ang naturang petisyon sa kanilang opisyal na website matatagpuan online.

Batay sa dokumento, inihain ni Zaldy Co ang partikular na petisyong Certiorari and Prohibition with Application for Writ of Preliminary Injunction and Temporary Restraining Order.

Nakapaloob rito ang kahilingan na ibasura o ipawalang bisa ng Korte Suprema ang resolusyon ng Ombudsman makasuhan si Co ng graft at malversation sa Sandiganbayan.

Naniniwala kasi ang naturang dating mambabatas na nagkaroon ng ‘grave abuse of discretion’ sa inilabas nitong resolusyon kahit pa hindi inirerekumenda ng ICI o Independent Commission for Infrastructure na mapabilang ito sa mga mapakasuhan.

Nais din niya sa inihaing petisyon na mapigilan ang Ombudsman, mga tauhan at kinatawan nito na mapatupad ang resolusyon ng tanod-bayan.

Maging ang reversal ng naturang resolusyon ng Ombudsman noong Nobyembre ng nakaraang taon ay hiling din na mabaliktad o ‘mapa-reverse’ sa Korte Suprema.

Inihain ang naturang petisyon nitong nakaraan lamang, ika-25 ng Enero sa kasalukuyang taon 2026.