-- Advertisements --

Sisimulan na ngayong araw, Enero 28, ang 2-days ASEAN Foreign Ministers’ Retreat sa Nustar resort sa lungsod ng Cebu.

Ito ay nagmarka ng unang major ministerial meeting sa ilalim ng ASEAN Chairship ng bansa para sa 2026.

Sa ginanap na presscon kagabi, ibinahagi ni ASEAN spokesperson Dominic Xavier Imperial na ang retreat ay pangungunahan ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro kung saan magtitipon ang mga foreign ministers at senior officials ng ASEAN member states, maging mga opisyal ng ASEAN Secretariat.

Inaasahang dadalo sa meeting ang humigit-kumulang 200 delegado.

Ayon kay Imperial, sa unang araw ay isasagawa ang informal consultation hinggil sa five-point consensus.

Sa ikalawang araw naman, tatalakayin ng mga foreign ministers ang mga prayoridad at pangunahing deliverables ng Philippine ASEAN chairship.

Susuriin din ng mga Foreign Minister ng ASEAN ang mga kinalabasan ng Ika-47 ASEAN Summit at ng mga Kaugnay na Summit na ginanap sa Kuala Lumpur noong Oktubre 2025, at magpapalitan ng pananaw hinggil sa mga panrehiyon at pandaigdigang usapin na may epekto sa rehiyon.

Inaasahang magiging bukas at prangka talakayan kung saan kabilang sa mga pangunahing prayoridad ay ang ika-50 Anibersaryo ng Treaty of Amity and Cooperation (TAC), mga inisyatiba sa artificial intelligence, ang pagtatapos ng Code of Conduct (COC) alinsunod sa itinakdang panahon sa 2026, kooperasyong pandagat, at mga inisyatibang nakatuon sa kabataan at sa mamamayan.

Bukod sa usapin sa West Philippine Sea, sinabi niya na posible ding talakayin ang Cambodia–Thailand border dispute, kung ito ay ihahain ng mga kasaping bansa.