Kinumpirma ng Department of Justice na kanilang sinampahan ng kaso si alyas Rene o Michael Maurillo, isang dating testigo ng senado binayaran umano ni Sen. Risa Hontiveros laban kay Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon ng National Prosecution Service, kinasuhan ito ng ‘cyber-libel’ kamakailan noong Enero sa kasalukuyang taon 2026.
Inihain aniya raw ito sa Pasay Regional Trial Court, hiwalay sa isa pang reklamong inihain ni Senador Hontiveros na ini-refer sa Department of Justice.
Kung maaalala, si Maurillo ay ang siyang lumitaw na dating testigo sa naganap na imbestigasyon ng senado kay Pastor Apollo Quiboloy at samahan nitong Kingdom of Jesus Christ.
Dagdag ni Prosecutor General Fadullon, ang pagsasampa ng kaso laban kay alyas Rene nitong nakaraang buwan ay alinsunod sa rekomendasyon ng prosekusyon na ito’y makasuhan ng ‘cyber-libel’.
Samantala, kinumpirma naman ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na nagkaroon na ng resolusyon ang prosekusyon hinggil sa isa pang reklamong inihain ni Sen. Hontiveros.
Subalit aniya’y binasura lamang ang ‘cyber-libel complaint’ isinampa ng mambabatas laban sa mga indibidwal nagpakalat ng video ng dating testigo ng senado na si Michael Maurillo.
Ayon naman kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, ang pagkakabasura sa reklamo ay bunsod nang walang natukoy ang prosekusyon na ‘prima facie evidence with certainty of conviction’ hinggil sa reklamo.
Dahil rito’y ang kampo ni Atty. Ferdinand Topacio, isa sa mga sinampahan ng reklamo, ay ikinalugod ang resolusyon ng prosekusyoon sa sinabing karapatan ng mamamayan na maging kritikal sa mga pampublikong opisyal.
















