-- Advertisements --

Matagumpay na naaresto ng Taguig City Police Station ang lahat ng nasa Top 10 Most Wanted list para sa Pebrero 2026, pangalawang buwan na magkakasunod na naabot ang ganitong resulta.

Ayon kay PCol. Julius C. Añonuevo, Taguig Chief of Police, ipinapakita nito ang tuloy-tuloy na pagsisikap ng kanilang pwersa sa paghahanap at pag-aresto sa mga indibidwal na may nakabinbing kaso, kabilang ang panggagahasa, pagnanakaw, attempted homicide, statutory acts of lasciviousness, at drug-related offenses.

Katuwang ang NCRPO, Southern Police District, at iba pang unit, isinagawa ang serye ng coordinated operations para tiyakin ang pagpapatupad ng mga warrant of arrest.

Pinuri naman ni Mayor Lani Cayetano ang pulisya sa kanilang tuloy-tuloy na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

“Peace and order supports our goal of building a Transformative, Lively, and Caring City. When communities are safe, services are delivered more effectively, opportunities increase, and families feel secure,“ pahayag ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Patuloy ang koordinasyon ng Taguig Police sa mga barangay at komunidad para sa mas maayos na pagpapatupad ng batas. 

Maaaring mag-report ang mga residente sa 9-1-1 o sa Taguig Police hotlines: 0998-598-7932 at 8642-3582.

Siniguro ni Col. Añonuevo na kanilang ipagpapatuloy ang proactive operations and coordination sa mga komunidad para masustine ang kanilang law enforcement efforts sa siyudad.