-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ng Department of Information Communications Technology (DICT) na tuluyang pagbawalan sa bansa ang messaging app na Telegram.

Sinabin ni DICT Secretary Henry Aguda, na ang nasabing platform ay pinamumugaran ng mga pornography at scams.

Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng ilang Telegram accounts para makapanloko.

Dagdag pa ng kalihim na maraming dumating na reklamo sa kanilang opisina laban sa nasabing messaging app.

Patuloy ang ginagawa nilang pulong sa ilang social media giants para tuluyang labanan ang mga nagaganap na scams at pagkalat ng pornography.